Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Matapos umani ng maraming papuri ang pelikulang “Ang Larawan” na isa sa entry sa nakaraaang Metro Manila Film Festival, patuloy itong napapanood hanggang ngayon sa iba’t ibang pamantasan sa bansa.

Nakapanayam ng Newsko ang singer/actress na si Rachel Alejandro, isa sa lead star ng pelikulang ito at nabanggit niya ito at iba pang latest news sa naturang pelikula.

Kuwento ni Rachel, “We are currently doing our school tour. Sa Monday nasa Bohol ako and the group will go on to Dumaguete. May festivals na sasalihan sa abroad pero di pa allowed to announce. May Singapore also on March 4. Our confirmed screenings schedules is on http://anglarawan.com/#screenings.”

Aminado si Rachel na pinakamalaking project na nagawa niya ang pelikulang “Ang Larawan” na tinampukan nila nina Joanna Ampil, Paulo Avelino, at iba pa. “Pinakamalaki definitely, pinaka-memorable, eto yun,” saad ni Rachel.

Ang pelikulang pinamahalaan ni Direk Loy Arcenas ay isang film adaptation ng ‘Larawan, The Musical’ na base sa three-act English play na ‘A Portrait of the Artist as Filipino’ ng National Artist for Literature na si Nick Joaquin.

Esplika pa ni Rachel, “Ang pelikulang “Ang Larawan” is, I guess the best way to describe it really is, it’s a musical film, primarily of course. For me, lalo na, ang bida talaga rito is the music. Although some people would say na it’s the backbone of it of course, is the story by Nick Joaquin. Kasi yun naman talaga iyong kumbaga beloved play. Sabi nga nila, arguably, maybe considered the best… parang the most loved Filipino play of all time, di ba? And from 1950’s, noong 1990’s ay ginawa namin siyang musical. That was my, at least how I became involved in the journey of Ang Larawan.

“And in 1997 naging musical na nga siya sa CCP and since then, it was really the music I think that for me at least, yun ang naging dahilan kung bakit nagawa siyang pelikula ngayon, kasi sobrang na in-love talaga kami sa music ni Ryan Cayabyab. Lalong-lalo na noong pinagsama yung music ni Ryan at yung mga words at lyrics ni Rolando Tinio, kumbaga parang nag-combine-combine lang yung best of the best, parang ganoon.”

Nasabi rin ng anak ng music icon na si Hajji Alejandro na ang 1950 version ng Ang Larawan ay hindi musical at iyon ay English version. Nakakamangha rin na malaman na hindi nagpabayad si Joaquin nang gawin itong musical.

Ano ang role niya rito?

“I play Paula, which is the same role that I played in 1998, iyon yung musical. Napasama lang ako roon accidentally, kasi si Celeste (Legaspi) usually ang nagpo-produce ng mga musical ni Tita Girlie (Rodis), sa Larawan siya si Candida at napakahirap ng role na iyon. Napaka-emotional and as everyone knows, nanalo si Joanna Ampil ng Best Actress dahil nakapahirap talaga ng role na iyon. Hindi siya talaga basta-basta na kahit sino ay puwedeng gawin iyon. Kumbaga, kailangan yung dekalidad talaga at may experience. Not necessarily sa teatro, pero kumbaga yung batikan talaga.

“At si Joanna Ampil, hello?! As in, I mean, bata pa lang iyan, 16 or 17 years old yata, na-ship na iyan papuntang Miss Saigon. And since then, she has been consistenly working in the UK and all over the world. Maika-cast ba naman iyan sa kung saan-saang musical at kung saan-saang parte ng mundo kung hindi siya talagang… kumbaga iyong leveling ay nandoon talaga sa itaas?” Saad pa niya.

Narito ang schedules ng screenings ng Ang Larawan:

UPFI – Cine Adarna in UP Diliman- Feb. 16 Fri 2:30, 5 & 7 pm, Feb. 20 Tue 7 pm, Feb. 22 Thurs 7 pm

Bohol Cultural Center, Bohol- Feb. 19 Mon 5pm & 7:30 pm

Colegio de San Juan de Letran Calamba, Laguna- Feb. 19 Mon, Feb. 20 Tue

Dumaguete-Siliman University, Luce Auditorium- Feb. 19 Mon 3 pm, Feb. 20 Tue 9 am, 1 pm & 3:30 pm

De La Salle University Manila’s Freedom Film Festival, Natividad Fajardo Auditorium- Feb. 23 Fri 6 pm

University of Iloilo-SM City Iloilo-Feb. 26 Mon 9 am, 12 nn & 3 pm

Batangas State University- Feb. 28 Wed 8am

Bayambang, Pangasinan, Bayambang Event Center-March 1 Thu 10 am

De La Salle University – Lipa, Batangas, DLSL Oval- March 2 Fri 4-8 pm

Lyceum Northwestern University, Dagupan Salvador T. Duque Fieldhouse-

March 2 Fri 10 am & 3 pm

La Salle Bacolod, SM Bacolod-March 3 Sat

Sinagpore Nexus Auditorium, Cuppage Plaza- March 4 Sun 2:30 pm & 5 pm

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..