Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By Krissy Dimayuga

ILANG araw pa lamang natatapos ang Wildflower ng ABS-CBN, heto’t may bagong proyekto na naman si Sunshine Cruz.

Kahapon, nag-post si Sunshine ng picture nila nina Direk Adolf Alix at Kiko Estrada at may caption iyong, “Working with these two soon. See you soon Direk @aalixjr and @kiko_estrada. Swipe.”

Kasama nito ang notebook na nakasulat ang titulo ng proyekto at kung sino-sino ang nasa likod nito. Ang My Stepmother’s Lover na isinulat nina Jerry Gracio, Jen Chuaunsu, at Jerome Zamora na nai-draft noong Enero 10, 2018.

Hindi pa nagbibigay ng detalye si Sunshine kung TV serye ito at movie. Basta masaya ang dalaga dahil mayroon na naman siyang pagkakaabalahan.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..