Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By RK VILLACORTA

Chummy na sina Yam Concepcion at ang leading man niya si Paolo Ballesteros bago pa man sila nagkasama sa bagong pelikulang “Amnesia Love.”

Dahilan ito kung bakit si Pao ang nag-recommend sa kanya para maging leading lady sa bagong romcom movie na ipapalabas na come February 28.

Yes, si Pao ang nag-recommend kay Yam sa produksyon para makapareha niya sa movie.

Sa grand launch ng pelikula recently, kitang-kita mo ang pagiging friends ng dalawa. Natural na natural si Pao sa kilos niya na hindi ito nagiging conscious kasama si Yam.

Kumbaga, kering-keri ng chemistry ng dalawa off-cam para hindi sila maasiwa sa isa’t isa.

Sa katunayan, sa shooting nila sa Zambales, mas naging close sila. Sila ang buddy-buddy dahil sa isla kung saan sila nag-shoot ay walang telecom signal kaya sila-sila ang magka-tsismisan.

Kuwento ni Yam na mahirap puntahan ang location nila.

“Mahirap ang working conditions kasi wala namang proper accommodations dun sa island, pero okay lang kasi game lahat ng kasama namin sa shooting, lalo na si Paolo.

“It’s really a privilege to be paired with him kasi nanalo na siya ng best actor awards locally and internationally. At utang na loob ko sa kanya ang pelikulang ito kasi siya mismo ang pumili sa aking maging leading lady niya,”kuwento ni Yam tungkol sa kapartner.

Nagkasama na sila ni Paolo bago ang “Amnesia Love” sa “Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend” na pinagbidahan nina Anne Curtis, Dennis Trillo at ng komedyanteng host ng Eat Bulaga.

Ang kuwento ng pelikula ay naaksidente si Paolo na inanood sa isla kung saan doon nakatira sina Yam kasama ang mga magulang nito na sa pagising niya ay nagkaroon ito ng total amnesia na from a beking-beki na si Paolo at nagising ay naging lalaking-lalaki na ito.

Sa ngayon ay romantically committed si Yam kay Miguel Cu Unjieng na aka-based sa US at nagwo-work sa Wells Fargo na isang bangko sa Amerika.

Nang uriratin kung ilang taon na sila ng boyfriend:” Three years na kami, one month and three days,”sabi ng dalaga.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..