Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By RK VILLACORTA

Maganda ang feedback ng mga nakapanood last night sa advance screening ng pelikulang Sin Island kung saan lumutang ng husto ang acting ni Xian Lim (as David).

Bukod dito, okey ang mga super-hot love scenes niya with his co-stars Coleen Garcia as Kanika (his wife) at ang palaban sa kama na si Natalie Hart playing the role as Tasha (na then other woman sa relasyon).

Naging trending sa socmed ang pelikulang ito ng Star Cinema na ipapalabas na simula bukas, Valentine’s Day.

Maganda ang acting ni Xian na ayon sa topic ng usapan, performance wise ay naka-one step higher na siya kay Kim Chiu. Kering-keri na niya to go solo even without Kim.

Bukas, Valentine’s day, hindi ko naitanong kay Xi kung mayroom siya paandar sa kanyang lady love niya na dati, every year ay may gimmick siya na sorpresa sa dalaga tuwing araw ng mga puso.

Kung sakali man na walang pinaghandaan ang binata dahil sa sobrang busy sa promo ng pelikula nila nina Coleen at Nathalie ay maiintindihan naman siguro ng dalaga.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..