Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By Krissy Dimayuga

NGAYONG gabi sana ang pre-Valentine show nina Kuh Ledesma at Kris Lawrence, ang Love Matters kasama sina Isabella Ledesma at Gabby Concepcion sa ABS-CBN Vertis Tent, Quezon City.

Bulong-bulungan sa isang mediacon, kinansela ang naturang concert dahil mahina raw ang benta ng ticket.

Tila naapektuhan ang Love Matters ng kabi-kabilang concert ngayong Valentine. Katapat nila sana ang Dionne Warwick concert sa Solaire Grand Ballroom (Solaire Resort & Casino); at bukas naman ang Love Wins ni Joanna Ampil sa Globe Auditorium, Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center; This Is Us nina Aiza Seguerra at The Company sa Pebrero 13/14 Music Museum; at Love in Motion ni Gary V sa Sangri-La Fort bukas, Pebrero 14.

Sinasabing ire-reschedule ang konsiyertong ito pero wala pang ibinibigay na araw kung kailan.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..