Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NEWSKO DESK

Sa mga paborito nyong Korean celebrities, sino ang pipiliin nyong bigyan ng chocolates ngayong Valentine?

Ganito ang naging tema ng isang survey na isinagawa sa South Korea kung saan mga estudyante ang piniling respondents. At sa tanong kung sino ang gusto nilang bigyan ng tsokolate sa espesyal na araw na ito ay ang aktor na si Park Bo Gum ang lumabas na Top 1.

Sa Korea, ang Valentine Day ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagreregalo ng mga babae sa mga lalaki. Baligtad kung ikukumpara sa mga nakasanayan ng Pinoy kung saan kadalasang babae ang nakakatanggap ng regalo.

Sa ulat ng Soompi, nakakuha si Park Bo Gum ng kabuuang 30 percent sa mga boto habang nasa second place naman si Wanna One Kang Daniel na nakakuha ng 27 percent ng boto.

Sumusunod naman kina Park Bo Gum at Kang Daniel sina: V ng BTS na nakakuha ng 10 percent, Gong Yoo, 8 percent at Lee Seung Gi, 8 percent.

Kung ikaw ang tatanungin, sino ang bet mong bigyan ng tsokolate ngayong V-Day?

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..