Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By Krissy Dimayuga

PAINIT ng painit ang labanan at pasikatan sa It’s Showtime sa pagbubuo ng pinakaunang all-girl idol group ng bansa, ang MNL48, ang Pinoy version ng popular na grupong AKB48 ng Japan.

Pinangalanan na ang ikalawang set ng top ten girls na nanguna sa botohan mula sa top 75 girls ng kompetisyon, na nilikha sa pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at Hallo Hallo Entertainment.

Nagpasikat sa It’s Showtime ang top ten girls noong weekend na sumayaw sa awiting Mr. Kupido. Kabilang dito sina Eunice mula Cabanatuan at nanguna sa botohan, Sayaka ng Legazpi City, kambal na sina Shaina at Shaira ng Cainta, Alice ng Quezon City, Aria ng Antipolo, Tin ng Iloilo, Essel ng Cavite, Heart ng Malabon, at Abby ng Cavite.

Si Abby ang bagong mukha na pasok sa top ten, samantalang umangat naman si Eunice sa tuktok mula sa kanyang top six ranking noong unang linggo. Samantala, naligwak naman si Val ng Cavite na siyang nanguna sa listahan noong nakaraang botohan.

Kada linggo, babalik sa umpisa ang botohan at muling bubuksan para sa mga tagahanga na gustong suportahan ang kanilang “oshi” o paboritong aspirant sa pamamagitan ng MNL48 website (MNL48.ph) at mobile app, na makikita ang ranking ng mga aspirant at ang kanilang audition videos.

Sa ngayon, araw-araw na nagte-train ang top 75 girls at lumalabas sa online show nila (MNL48 on YouTube) para ipakilala ang sarili at makipag-usap sa fans.

Ang sampung babae naman na makatatanggap ng pinakamaraming boto bawat linggo ang bibigyan ng pagkakataong mag-perform sa It’s Showtime stage tuwing Sabado, boosting their chances of getting in the idol group.

Magtatapos ang kompetisyon sa Abril kung kailan papangalanan ang opisyal na mga miyembro ng MNL48.

Gaya ng AKB48, magpe-perform din ang MNL48 members araw-araw sa isang eksklusibong venue at magiging endorsers ng Tokyo Girls Collection Shop, na magbubukas sa Vertis North Mall sa Quezon City. Marami ring dapat na abangan ang kanilang fans, gaya ng paglulunsad ng kanilang mga awitin, handshake events, TV guestings, at concert.

Ang AKB48 ay isa ring international sister group, na may mga bersiyon sa Thailand, Taiwan, India, at Indonesia.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..