Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By JOSHUE MARINAS

Hay naku! Tumaas na naman ang blood sugar ko sa tsikang ito! Matagal nang natsismis na sadyang may ipagmamalaki sa pagitan ng mga hita ang guwapung-guwapong aktor na ito.

Di ba, may lumabas pang picture noon na umiihi siya at nakabuyangyang ang malaking kargada? Hindi nga lang malaman kung tunay nga ang litrato o niretoke lang sa Photoshop. At hindi rin sure kung talagng siya nga ang nasa larawan dahil naka-side view lang. Pero sa hugis ng mukha ay parang siya nga.

Mula noon ay pinagpantasyahan na siya ang mga beki at natsismis sa buong showbizworld na ganun kalaki ang kanyang pagkalalaki.

At sadyang totoo nga! Heto na naman ang isang tsika ng isang veteran actress na nagpapatotoo na ‘well-endowed” nga ang mestisong aktor.

Itsinismis niya ito sa isang batikang direktor na itsinika naman sa ilang movie reporters.

Hindi na idinetalye nung aktres kung paano niya nalaman na ganun kalaki nga ang nota ni poging aktor. Basta alam niya at siya ang magpapatunay sa hugis at kulay pink na pag-aari ng tsalap-tsalap na aktor.

Tahasan daw sinabi sa magaling na direktor na may magandang hinaharap ang aktor kaya gustu-gusto na niyang mai-direk ito at isama sa susunod niyang sexy movie.

Sikat na sikat ang aktor na ito. Napakaraming pelikula at teleserye na ang nilabasan niya. Tiyak ko kilala nyo siya!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..