Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By JOSHUE MARINAS

Hindi na tatakbo sa kahit anong posisyon sa government offices ang aktor na si Joey Marquez.

Ayaw na raw niya sa pulitika dahil hindi naman daw ito propesyon kundi isang moral obligation.

Pati ang mga anak niyang sina Jeremy at Winwyn Marquez ay kinukumbinsi niyang huwag sumabak sa pulitika at sa halip ay asikasuhin na lang ang pag-aaral.

Patungkol ito sa anak niyang beauty queen na Winwyn Marquez na diumano’y maraming nag-aalok na tumakbo sa eleksiyon next year.

Hindi pa alam kung anong posisyon sa gobyerno ang iniaalok kay Winwyn pero sabi ni Joey tapusin na lang muna sana nito ang pag-aaral na MBA or PhD.

Si Winwyn ay anak ni Joey kay Alma Moreno at kapapanalo lang bilang Reina Hispano Americana na kilalang beauty pageant sa Latin America.

“Sabi ko nga ay hindi naman negosyo yan, trabaho yan. Moral responsibility mo sa mga tao ‘yan. Okey lang na pumasok ka diyan as public servant, but not as politician. I’ll be against everything you do if you act like a politician, pahayag pa ni Tsong Joey na pinatutungkulan pa rin ang anak na si Winwyn.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..