Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By Krissy Dimayuga

ILALAAN ni Jed Madela sa Ang Mata’y Alagaan Foundation, Inc. (MATA Foundation) ang kikitain ng kanyang Valentine concert na All About Love, bukas, Pebrero 14, 7:30 p.m. sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Layunin ni Jed na makalikom ng pondo para sa mga benepisyaryo ng Mata Foundation.

Kilala sa mga taguring The Voice at The Singer’s Singer, inaasahang muling pupukawin ng multi-awarded na mang-aawit na si Jed ang damdamin ng mga manonood sa kahulugan ng pag-ibig at bibigyan sila ng pagkakataong muling umibig sa pamamagitan ng kanyang mga awitin.

Noong 2005, tinalo ni Jed ang mga mang-aawit mula sa 52 bansa para tanghaling unang Asyano na nagwagi sa World Championships of the Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood, California, USA. Dahil dito, napili si Jed bilang five-time Male Recording Artist of the Year ng Philippine Movie Press Club Star Awards for Music, gayundin bilang Entertainer of the Year noong 2014.

Kasama rin sa concert ni Jed si Sarah Faye Bacal, isang may-ipinangangakong soprano-coloratura na dating bahagi ng High School Musical Philippines. Siya ay nagtapos ng titulo sa Voice Performance (Opera) mula sa Palm Beach Atlantic University sa Florida, USA na pinagkalooban ng full scholarship sa kanyang pag-aaral. Naging singing champion siya noong nag-aaral sa elementarya at nakasama na rin sa iba’t ibang pagtatanghal sa loob at labas ng bansa.

Mabibili ang tiket sa Ticketnet Online (www.ticketnet.com.ph) at sa Ticketnet outlets sa SM Customer Service Department Stores, o tumawag sa 911-5555 for reservations. Ang ticket prices ay–VIP Center: P3,500; VIP Right and Left: P3,000; Orchestra Center: P2,500; Orchestra Right and Left: P2,000; Louge Center, Right, and Left: P1,700; Balcony Center, Right, and Left, P1,100. Para sa mga karagdagang detalye, tumawag sa 09159391655.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..