Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Nabanggit ni Elmo Magalona na masaya siya habang ginagawa ang pelikulang “My Fairy Tail Love Story” na pinagbibidahan nila ng ka-loveteam na si Janella Salvador.

Panimula ni Elmo, “It was really, masaya, masaya siya kaya’t naging madali siya for me. Because iyon nga, when I was told about this project, si Direk Perci told me na, parang sobrang clear ng vision niya for the movie, sila ni Direk Jun Lana. And yun, when we were shooting it, it was exactly how I imagined it, kung paano nila ikinuwento sa akin.

“First time ko rin maka-work si Kiray, so abangan ninyo iyong mga scenes namin ni Kiray, pati with Kiko also na first time ko rin ka-work dito.

“And then of course, with Janella. This is also diferrent para sa aming dalawa, because she’s a mermaid dito and we really gave something diferrent dito sa project naming ito.”

Maraming fans ang wish na maging kayo na ni Janella, magkakaroon na ba ito ng katuparan?

“Siyempre ako naman, that’s my goal naman talaga. But I’m not trying to rush Janella. Palagi ko pong sinasabi rin na understand ko naman po, nauunawaan ko na Janella is only 19 years old and kung may iba pa siyang… you know, if there’s something else important for her right now, then that’s totally fine with me, I understand that.

“But… yeah that’s my goal, na sana she becomes special to me,” esplika pa ni Elmo.

Paano mo sasabihin sa fans nyo ang real score sa inyo ni Janella, loveteam lang ba talaga kayo or kayo na?

“Definitely naman, siyempre ay nagsimula kami as a love team. Pero right now ay may nabuo na rin naman kaming friendship outside of the love team. So, combo na siya, combination ng working relationship at saka may relationship din kami outside of work, na habang tumatagal ay mas lalo kaming nagiging close ni Janella,” saad pa ni Elmo.

Showing na sa February 14 ang “My Fairy Tail Love Story” na mula sa Regal Entertainment at sa pamamahala ni direk Perci Intalan. Bukod sa tandem ng ElNella, tampok din dito sina Kiko Estrada, Dimples Romana, Dominic Ochoa, Kiray Celis, Kakai Bautista, at iba pa.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..