Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By JOSHUE MARINAS

Bukas na ng gabi ang pinakahihintay na concert ng magaling na singer na si Joanna Ampil sa Bonifacio Global City kung saan kasama niyang magpe-perform ang kontrobersiyal na poging singer na Mark Bautista.

Kamakailan lang ay naging laman ng tsismis si Mark makaraang maglabas ng libro na nagkukuwento ng mga karanasan niya sa buhay at pati ang tunay na pagkatao.

Nabanggit niya sa librong ito na nagkaroon siya ng pansumandaling relasyon sa isang sikat na aktor kung saan humantong sa pagkakahiwalay ng huli sa girlfriend.

Nabalandra ang kanyang tunay na pagkatao na dahilan para magkaroon ng espekulasyon na baka makaapekto ito sa “Love Wins” Valentine concert ni Joanna. Maging positibo man o negatibo.

“He came out with this book, and I completely admire the guy. He’s brave enough to expose himself in that way. “Of course sa Pilipinas marami rin naman na medyo nagba-bash ng a little bit.

“They kinda use this as a weapon or ammunition against him, which is such a shame. But, marami naman tayong nagsu-support sa kanya, and I think that’s what we should focus on,” pahayag ng award-winning singer hinggil dito sa interview ng katotong Gorgy Rula:

Nung lumabas na nga itong libro at mainit na pinag-usapan, tumawag daw si Mark sa kanya na nag-aalala baka maapektuhan ang “Love Wins” concert niya.

Saad ni Joanna; “I think more than anything nag-worry lang siya sa akin. He’s a true friend na o baka ma-affect yung show mo kasi magkakaroon ng focus sa iba.

“Sabi ko, ‘you know what Mark, it doesn’t matter. At the end of the day, masaya ako na kasama kita sa concert.This is more of a celebration of love. You know we’re supporting each other here. We’re supporting our fellow artists na nasa show. At saka mga tao manonood yan dahil gusto nila marinig yung music.’

“Ultimately that’s what it is. Kung may mga taong gusto nila makita si Mark, that’s fine. Hindi naman natin masasabi kung ano talaga yung objective nila sa concert, Okay lang yun. If they’re there, they’re there. At the end of the day, nandun sila to support the concert.”

Sa naturang concert, sabay na ise-celebrate dito ni Joanna ang kanyang 25th years sa industriya.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..