Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By Krissy Dimayuga

AGAD na nabighani ang mga manonood sa mapangahas na pagbabalik ni Erich Gonzales sa telebisyon kahapon (Pebrero 12) sa pagsisimula ng The Blood Sisters, na nagtala ng national TV rating na 25.2%, ayon sa datos mula Kantar Media.

Mas maraming nahatak na mga manonood sa urban at rural areas ang programa, na ginagampanan ni Erich ang triplet na katauhan na pinaghiwalay ng tadhana, laban sa kalabang palabas nitong Wowowin na nakakuha lang ng 16.9%.

Nagsimula ang kuwento ng misteryo at aksiyon sa Davao, na araw-araw na kumakayod ang mapagmahal na inang si Erika (Erich). Pinasok niya ang iba’t ibang trabaho, kabilang na ang pagiging isang club dancer, para matustusan ang pagpapagamot sa anak.

Ngunit mula sa paghahangad ng maginhawang buhay para sa anak, biglang nagbago ang lahat nang nasaksihan niya ang pagpatay sa isang lalaki sa club na kanyang pinagtatrabahuhan. Pilit siyang hinabol ng mga taong sangkot dito para patahimikin, hanggang sa napadpad siya sa Maynila para maghanap ng proteksiyon at mapagtataguan.

Sa lungsod, nakatakdang magkrus ang landas nila ng kambal niya at doktor na si Carrie, na siyang pagkakamalan ng mga bandido na si Erika. Sa pagkawala ni Carrie, magkakaroon ng pagkakataon si Erika na magpanggap bilang ang kapatid, danasin ang marangyang buhay, at matuklasan ang isang mundong puno ng sikreto at lihim.

Bukod naman sa ratings, trending din sa online ang world ang TV comeback ni Erich kaya naman nanguna sa trending topics sa Twitter ang hashtag na #TBSSimula at inulan ng papuri mula sa netizens.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..