Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Krissy Dimayuga

AMINADO si Xian Film na daring ang pelikula nilang Sin Island na pinagbibidahan din nina Coleen Garcia at Nathalie Hart handog ng Star Cinema at mapapanood na sa Pebrero 14.

Ani Xian, “’Sin Island’ is a daring film, it’s a sexy adult love story.”

Kaya asahan na ang mga eksenang bago sa paningin na ginagampanan niya na tiyak ikagugulat ng publiko.

Anang aktor, dahil sa bigat ng istorya at pinagdaraanan ng kani-kanilang karakter kaya naiiba ang pelikula.

Nais ding patunayan ni Xian kung hanggang saan ang kapasidad niya bilang aktor at maipakita na kaya niyang gampanan ang anumang klaseng role ang ibigay sa kanya.

Kaabang-abang ang karakter ni Xian sa Sin Island bilang si David na sinasabing pinakamatapang at pinaka-daring na pelikula ngayon.

Ang Sin Island ay idinirehe ni Gino Santos.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..