Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Wala umanong interes si Victoria Beckham na sumama sa reunion concert tour ng Spice Girls.

Sa kabila ng mga unang ulat na namumuro nang mag-concert tour ang Spice Girls sa UK at America, sinabi ni Victoria na unang nakilala bilang “Posh Spice” na hindi siya sasama sa concert tour.

“I’m not going on tour. The girls aren’t going on tour,” pahayag ni Victoria sa interview ng Vogue sa preview ng kanyang autumn/winter 2018 collection na makakasama sa New York Fashion Week.

Nag-ugat ang mga balita sa reunion concert ng Spice Girls nang magkaroon ng lunch ang mga miyembro nito na sina Victoria, Melanie “Mel C” Chisholm, Emma Bunton, Geri Halliwell at Melanie “Mel B” Brown sa London. Sa sobrang tuwa ng kanilang mga fans, umasa ang mga ito na magkakaroon ng concert ang kanilang mga idolo.

“We have enjoyed a wonderful afternoon catching-up and reminiscing about the amazing times we have spent together. We are always overwhelmed at how much interest there is across the whole world for The Spice Girls. The time now feels right to explore some incredible new opportunities together. We all agree that there are many exciting possibilities that will once again embrace the original essence of The Spice Girls, while reinforcing our message of female empowerment for future generations,” ayon sa ipinalabas na statement ng grupo.

Kasunod nito, napaulat pang pinaplano na ang concert tour ng Spice Girls kung hindi man bago matapos ang taong ito ay sa susunod na taon na.

“There’s something so strong in the message of what the Spice Girls stood for. What is that in the future? What does that look like? We were just bouncing ideas around. Brainstorming,” ayon kay Victoria na sa ngayon ay abalang-abala sa fashion world. (NEWSKO DESK)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..