Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By RK VILLACORTA

Wala pang definite plans si Tom Rodriquez kung ano ang kaganapan sa darating na Wednesday, February 14 sa kanila ng girlfriend na si Carla Abellana.

Sa Valentine’s Day, hindi magkakasama sina Tom at Carla dahil nasa Dubai ang dalaga for a job.’

“Baka advance Valentine’s date na lang,” kuwento ng binata sa umpukan ng mga writers na nag-interview sa kanya.

Pero may pahabol si Tom:” Babawi na lang kami. On Valentine’s Day may work siya,” kuwento ng binata.

Timing din marahil na “break”muna sila ng girlfriend at wala dito ang dalaga dahil magiging super busy si Tom sa promotion ng movie nina nina Lovi Poe at Erich Gonzalez na “The Significant Other” kung saan he plays the solo male lead.

Sa nasabing pelikula na may temang love triangle, ayon sa pagkakakuwento sa amin, super sexy ang mga eksena ng binata sa dalawang sexy actresses.

“At may super sexy scene sila ni Lovi. Bigay todo. Di ba may super pumping scene pa si Lovi kay Tom na kinabayo niya?” natatawang kuwento sa amin ni Francis Simeon na nakapanood na ng rushes ng pelikula schedules for February 21.

Dahil sa sobrang kaseksihan ng pelikula, hindi kaya mag-react si Carla sa mga eksena?

“She know that it only work. Artista din kasi siya,” paliwanag ng guwapong binata.

Sa preem ng pelikula, magiging date kaya niya ang girlfriend?

“Alam naman niyang this is just part of our job as actors. I don’t really mind.”

Ang pelikula ay sinulat ni Eric Ramos at produced ng CINEKO Productions.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..