Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Masaya ang batikang aktres na si Sylvia Sanchez na makatrabaho sa Kapamilya TV series na “Hanggang Saan” ang anak niyang si Arjo Atayde.

Sina Sylvia at Arjo, kasama sina Sue Ramirez, Yvez Flores, Marlo Mortel, Ariel Rivera, Teresa Loyzaga, Maris Racal, Nikko Natividad, at iba pa ang mga pangunahing tauhan sa naturang serye.

Anong klaseng experience para sa kanya na katrabaho niya si Arjo sa “Hanggang Saan?”

Sagot ni Ms. Sylvia, “Masaya, kasi parang at least, hindi ba nagte-taping ako palagi, di ko nakakasama mga anak ko, this time mayroon akong kasamang anak ko. So, nami-miss ko man yung iba kong mga anak, pero at the same time, mayroon akong isang anak na nasa set. So parang, di ba, lumuluwag din yung pakiramdam ko?”

Dahil magkasama sila rito, ano ang nalaman pa niya kay Arjo pagdating sa acting-an? “Marunong na si Arjo, marunong na, iba na siya noong umpisang-umpisa niya talaga.

“Nakita ko naman kasi talaga di ba, iba na ngayon, pinapakawalan ko na. Kumbaga kapag magka-eksena kami, ‘Sige anak, go.’”

Masasabi ba niyang nagmana sa kanya si Arjo pagdating sa pagiging artista?

Saad ng aktres, “Parang ako yata ang nagmana kay Arjo, hahaha!” Pahalakhak na sagot niya. Seryosong pahabol pa ng award-winng actress, “Nakuha niya sa akin iyong dugong artista. Iyon ‘yun.”

Nagpasalamat din ang Kapamilya aktres sa suporta ng televiewers sa kanilang top rating afternoon TV series.

“Nagpapasalamat ako dahil tuloy-tuloy iyong pagtanggap, maganda iyong pagtanggap ng mga tao,” masayang wika niya.

Dagdag pa ni Ms. Sylvia, “Maraming aabangan dito, dahil ang daming twist, ang daming mangyayari na hindi inaasahan.

“Kasi sa totoo lang, nakakagulat talaga ang mga revelation sa ‘Hanggang Saan.’ Ang daming mga pasabog, sunod-sunod. At kung akala ninyo’y alam nyo na ang mga mangyayari o mahuhulaan nyo na ito, maski kayo magugulat. Kaya dapat ay lagi ninyo itong subaybayan para wala kayong ma-miss na mga kaganapan dito.”

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..