Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Nagkaroon ng surprise appearance si Girls’ Generation member Seohyun sa Special Concert ng Samjiyon Band ng North Korea sa PyeongChang Winter Olympics ang Paralympics.

Ang Samjiyon Band ay isang North Korean classical ensemble na binubuo ng 137 vocalists at musicians. Mas angkop umanong tawaging isang orchestra ang Samjiyon kaysa isang band.

Noong Huwebes, unang nag-perform ang Samjiyon sa PyeongChang Winter Olympics at kahapon naman ang huling performance nito.

Subalit ang naging highlight umano ng kanilang concert ay ang surprise appearance ni Seohyun sa kantang “Our Wish,” ang kantang umaasam ng pagkakabati at pagkakaisa ng dalawang Korea—ang Nort at South.

Matapos ang kanilang performance, binigyan ng standing ovation ng audience ang Samjiyon habang niyakap naman ni Seohyun ang mga North Korean performers.

Kasama sa mga nanonood ang South Korean President na si Moon Jae In at si Kim Jung Sook, ang kapatid na babae ng North Korean leader na si Kim Jong Un. (NEWSKO DESK)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..