Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Krissy Dimayuga

HINDI na nahirapan si Nathalie Hart sa mga daring scene na ipinagawa sa kanya ni Gino Santos sa pelikulang Sin Island na pinagbibidahan din nina Xian Lim at Coleen Garcia na mapapanood na sa Pebrero 14.

Ani Nathalie, hindi na niya kinailangan pang mag-iiyak sa CR sa mga tagpong nag-uumapaw sa sekswalidad, mapangahas na love triangle at iba pa.

Aminado ang aktres na wala na siyang kiyeme na gawin ang maseselang eksena sa Sin Island matapos niyang gawin ang Siphayo na nagpanalo sa kanya ng Best Actress sa NY FilmFest at idinirehe ni Joel Lamangan.

Paliwanag ng aktres, “It takes time to digest it, for me wala akong pakialam, pagkatapos kong gawin ang “Siphayo’.

Kung ikukompara kasi ang Sin Island sa Siphayo, mas grabe ang pelikulang idinirehe ni Lamangan kaya nga hanggang ngayon ay hindi niya iyon ipinanonood sa kanyang ina at pamilya.

Pero buong pagmamalaki naman niya ang galing ng pag-arteng ginawa niya sa Sin Island. “Mayroon talagang story dito, makikita ng viewers hanggang saan ang level ng acting ko, I really tried my best. Sila na lang bahala kung ano masasabi nila sa akin.”

Aminado rin si Nathalie na nahirapan siya sa mga ipinagawa ni Direk Santos, “It was so hard, a very challenging role as well, crazy , funny, babaeng bakla.

“I really enjoy doing this, half of me is this and half is not,” sambit pa ni Nathalie.

Sinabi pa ni Nathalie na nadalian na siyang gawin ang pelikulang ito dahil may history na (Siphayo). “Hindi na ako umiiyak sa toilet everytime na ginagawa ko that film (Siphayo). Here, sisiw na lang, hindi na ako umiiyak.”

Iginiit pa ni Nathalie na hindi lamang pagpapa-sexy ang kaya niyang gawin dahil may ginagawa rin siyang comedy. “I can do other things,” aniya.

At nang kumustahin ang maiinit nilang tagpo ni Xian, ang tanging nasabi niya, “I think they will like it.”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..