Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Krissy Dimayuga

TATLONG linggo na lang eere ang La Luna Sangre.

Ito ay base na rin sa ini-a-announce sa pag-uumpisa o sa pagtatapos ng serye.

Nasa ikatlong puwesto pa rin ang LLS sa pinakapinanonood na programa na ayon sa talaan ng Kantar Media noong Enero 9, mayroong 30.9 percent ang seryeng pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Hindi pa rin sila natatalo ng Kambal Karibal na mayroon lamang 17.2 percent rating.

Sa umeereng kuwento ng LLS, hindi pa rin tuluyang masama si Tristan (Daniel Padilla) dahil kinakalaban niya si Sandrino (Richard Gutierrez) na gustong patayin ang lahat ng tao para silang mga bampira lang ang maghari sa bansa.

Kaya ang inaabangang mangyayari ay kung paano maglalaban sina Sandrino at Tristan gayundin ang labanang Malia (Kathryn Bernardo) bilang Punong Bantay at Tristan.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..