Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By NONIE V. NICASIO

Ipinahayag ni Janella Salvador na kapwa sila masaya sa isa’t isa ni Elmo Magalona. Pero idiniin niya na talagang hindi pa raw sila talaga.

Kailangan pa raw niya ng more time dahil gusto muna niyang mas magkakilala sila nang husto ng binata ni Francis Magalona.

“We’re very open with each other sa kung anong nararamdaman namin. And halata naman, kung ano ang nakikita ninyo, yun din naman. We make each other happy, halata naman na masaya kami,” esplika ng aktres.

Saad pa ni Janella, “It’s because he also makes me happy naman, hindi ko naman itatago yun na talagang masaya ako kapag kasama ko siya and tulad ng sabi niya, I keep him positive now.

“Yeah, I keep him positive, he also keeps me positive. Sobrang naba-balance out namin yung each other and naa-appreciate ko talaga. Sa kanya lang talaga ako nagkaroon ng ganitong klaseng bond with a guy, siya yung first. So, hopefully ma-maintain.”

So, ano ang humahdlang para maging sila na ni Elmo?

Tugon ni Janella, “I just want to get to know him talaga more. And I think we need more time talaga to… yung para mas makilala pa yung isa’t isa. And para mag-grow pa iyong friendship namin, iyong relationship namin para if ever nga in the future, we decide pa to get together, eh ‘di ayun na, it’s the perfect time na.”

Basically, ikaw iyong ayaw muna?

“Oo, pero he also respects that naman,” pakli pa ni Janella.

Sina Janella at Elmo ay tampok sa pelikulang “My Fairy Tail Love Story.” Ito’y mula sa Regal Entertainment at sa pamamahala ni direk Perci Intalan,

Ayon sa dalawang young stars, kakaibang kilig ang mararamdaman ng moviegoers sa pelikulang ito na ipalalabas na sa eksaktong Araw ng mga Puso, February 14. Tampok din dito sina sina Kiko Estrada, Dimples Romana, Dominic Ochoa, Kiray Celis, Kakai Bautista, at iba pa.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..