Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By JOSHUE MARINAS

Nakakaaliw ang ginagawa ngayon ng komedyanteng si Ethel Booba tungkol sa pagpapalaganap ng kamalayan sa HIV kaugnay ng nalalapit na Valentine’s Day.

Ayon sa isa niyang socmed account, marami na raw namamatay sa HIV kabilang ang isa niyang kakilala kaya dapat ay maging aware ang lahat lalo na mga magkasintahan na magtatalik ngayong Araw ng mga Puso.

“Kung hindi talaga maiwasan ang makipag-sex kahit kanino, at least use protection. Condom is not anti-life dahil madaming buhay masasagip nito sa sakit gaya nyan and huwag matakot magpa-check to know your status. Not charot!,” patawang sabi ni Ethel.

Talagang desidong makipag-communicate ngayon ang komedyanteng mayaman ang boobs sa mga followers niya sa social media hinggil sa HIV/AIDS at hindi siya nagdunung-dunungan lang.

“According sa study, 98% ‘daw’ effective ang condom pero in reality it’s 85% ‘daw’… HIV is not spread through saliva. Ikaw tanong ko sure ka ba dyan sa mga sinabi mo. Charot!

“As long as walang seminal fluid na naipasa because of the protection na nabigay ng condom they are safe. Alam ko ata naipapasa ang virus via jebs. Charot!

“Pwede ata siya makahawa if yung jebs contains blood. Pero correct, much better to ask yung mga expert about sa ganitong bagay. Kasi ako Google-Google lang. Charot!

“Madaming tao ang nag-open sa akin na may HIV/AIDS sila. Some of them are my followers pero never ko inilabas ang info because I respect and love them. I think never ako nag-violate sa law,” aliw na paliwanag pa ni Ms. Booba.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..