Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By RK VILLACORTA

Baka huling sexy film na ni Coleen Garcia ang pelikulang “Sin Island” na kakaibang pang-Valentine’s Day offering ng Star Cinema.

Usually kasi pa-tweetums kung hindi man romcom ang ipinapalabas ng film outfit kung saan pinag-uusapan ang mga hot love scenes ng dalaga with her screen partner na si Xian Lim na first time din magpapa-sexy sa pelikulang ito na obra ni Gino Santos.

Huling hirit ika nga ng dalaga sa sexy genre lalo pa’t ikakasal na siya sa boyfriend niya na si Billy Crawford.

Recently ay nagpa-despedida de soltera na si Coleen with her girlfriends sa Hawaii kung saan kasama doon ang chummy and personal friend niya (cousin din sila) na si Ria Atayde.

Bago pa man in-announce ang pagpapakasal niya kay Billy, nakatago na in safe keeping ang engagement ring ni Coleen na ipinatago ng future husband niya kay Ria.

Ang pre-nuptial pictorial nila ni Billy na kinunan sa Thailand ay tapos na rin. Petsa na lang ng kasal ang nhinihintay ng media at ng fans nila na ayon sa future bride ise-share din niya sa media at sa mga tagahanga nila ni Billy at hindi nagmamaramot (tulad ng iba).

Kaya sa mga kalalakihan at katomboyan na nagiilusyon kay Coleen, huling hirit na ninyo mapanood ang kabuunan ng dalaga sa Sin Island.

Kapag naikasal na siya, less na ang kaseksihan ng dalaga. Kayo rin baka magsisi kaya kailangan panoorin na ang movie nila.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..