Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Malamang daw hindi hahayaan ng poging aktor na si Tom Rodriguez na mapanood ng girlfriend niyang si Carla Abellana ang kanyang pelikulang “The Significan Other.”

Kasama ni Mang Tomas (tawag kay Tom) ang mga seksing aktres na sina Lovi Poe at Erich Gonzales sa nasabing pelikula na malapit nang ipalabas pagkatapos ng Valentine’s Day.

Ayon sa mga kati-katerang showbiz authority, baka pagsimulan lang daw ito ng away ng magkasintahan dahil maraming matitinding love scenes dito si Tom kasama ang dalawang aktres.

Meron daw pumping scene dito sina Tom at Lovi na talagang bigay na bigay daw ang kanilang mga acting.

Bukod diyan, may mainit ding eksena ang poging aktor at ang magandang aktres na si Erich na makakapukaw sa pansin ng mga manonood.

Pero ayon sa mga nakakakilala sa nobya ni Tom, malawak naman daw ang isip ni Carla kaya’t mauunawaan na hinihingi lang script ang mga nasabing romansahan between her boyfriend and the sexy ladies.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..