Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Isang hinihinalang stalker ang inaresto matapos maispatan ni Bella Hadid sa labas ng kanyang apartment sa New York.

Napag-alaman sa mga ulat na mismong si Bella ang tumawag sa pulisya tungkol sa kahina-hinalang tao sa labas ng kanyang apartment.

Tinututukan umano ng suspek si Bella sa social media at nagpapadala pa ito ng mga unwanted messages at videos na nagbabanta sa supermodel at sa kanyang pamilya nito.

Natakot umano si Bella nang maispatan nito ang stalker na nakatayo sa labas ng kanyang building.

Batay pa sa lumabas na ulat, sinampahan ng kasong aggravated harassment at stalking ang lalaking naaresto sa labas ng apartment ni Bella.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..