Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Habang buhay may pag-asa at ganito rin umano ang dapat maging attitude ng mga fans ng Sex and the City, ayon kay Sarah Jessica Parker.

Sa isang interview, sinabi ni Parker na hindi pa rin dapat sumuko ang mga fans ng Sex and the City na naghihintay na magkaroon ng Sex and the City 3.

“I feel like I’ve been saying the same thing for so long because we were going to do [Sex and the City 3] and then we didn’t and that’s perfectly alright. And I have to say there has been no substantive conversation since it was determined that we didn’t,” sabi ni Parker sa lumabas na artikulo sa E! News.

Si Parker ang gumanap bilang Carrie Bradshaw sa naturang TV series at sa dalawang serye ng pelikula nito.

“But I also know [director and writer] Michael Patrick King and I know what a brilliant storyteller he is and magnificent, magical writer he is so I would never put it to rest because his brain works in wonderful, surprising ways,” pahayag pa ni Parker.

Magugunitang hindi natuloy ang ikatlong pelikula ng Sex and the City dahil inayawan ito ni Kim Catrall na gumanap bilang Samantha Jones.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..