Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By NONIE NICASIO

Sobrang excitement ang nararamdaman ngayon ng aktor, singer at TV host na si Marlo Mortel dahil sa paglabas ng kanyang first ever solo album mula Star Records.

Paliwanag niya, “Nai-record ko na yung fifth song ko rito na ako rin ang sumulat. And dapat nilang abangan kung sino ang ka-duet ko sa album na ito. Actually, hindi ito dapat kasama sa album pero hinabol ko lang para maka-duet ko siya. So, pinalitan ko yung isang kanta rito, para sa kanya.

“Etong album ko na ito ang pinakamalapit sa heart ko dahil ako ang gumawa ng mga kanta and no doubt, magaganda talaga siya, for sure. Ipa-promise ko iyon.”

Masasabi bang collector’s item ito lalo na sa mga avid followers ni Marlo dahil bukod sa konektado ito sa kanyang buhay, siya ang sumulat sa lahat ng kantang nakapaloob sa nasabing album?

Sagot ni Marlo, “Yes oo, ako kasi ang nagsulat at gumawa ng music, everything, lahat ng kanta… At saka it’s a piece of me, kasi it’s my life talaga.”

Ano ba ito, puro mga hugot songs? “Hindi naman … hugot doon sa mga… kasi para siyang kuwento, eh. So, kayo na lang po ang bahala kung paaano ninyo iaano… Pero more on mga totoong nangyari ito sa buhay ko.”

Dagdag pa ni Marlo, “Actually, five songs talaga ito na isinulat ko about, kung paano ka mai-in love, kung paano ka masasaktan in the end, parang ganyan.

“Pero pinadagdagan pa ng Star Music ng dalawa, kasi nagulat sila na magaganda pala iyong mga kanta. So, pinadagdagan pa nila ng dalawa na ako rin ang nagsulat, kaya naging pito. So, all out na ako sa album na ito.”

Mas magfo-focus ka na ba sa pagiging singer or sa music mo?

“Sabay-sabay, sabay-sabay… Kasi kung ano ang mayroon na break, tatanggapin ko. Pero feeling ko talaga, ayan talaga yung meant to be ko, ang maging singer-songwriter ako,” wika pa ni Marlo na regular na napapanood sa ‘Umagang Kay Ganda’ at ‘Hanggang Saan’ ng ABS CBN at sa ‘On The Go’ sa Knowledge Channel.”

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..