Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Hindi kailangan ni Kim Catrall ang pakikiramay ng kanyang Sex and the City co-star na si Sarah Jessica Parker.

Mismong si Kim ang nagpost ng mensahe sa kanyang social media account para banatan si Parker.

“Mom asked me today ‘When will that @sarahjessicaparker, that hypocrite, leave you alone?’ Your continuous reaching out is a painful reminder of how cruel you really were then and now,” ayon sa Instagram post ni Kim.

“Let me make this VERY clear. (If I haven’t already) You are not my family. You are not my friend,” bahagi pa ng post ni Kim para kay Parker.

Nauna rito, nagparating ng pakikiramay si Parker kay Catrall na kasalukuyang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang nakababatang kapatid na lalaki.

“Dearest Kim, my love and condolences to you and yours and Godspeed to your beloved brother. Xx,” ayon naman sa naunang mensahe ng pakikiramay na idinaan ni Parker sa Instagram.

Itinuturing naman ni Catrall na ginagamit ni Parker ang trahedyang sinapit ng kanyang pamilya para magpabango sa publiko.

“So I’m writing to tell you one last time to stop exploiting our tragedy in order to restore your ‘nice girl’ persona,” mataray pang mensahe ni Catrall para kay Parker.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..