Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Kaabang-abang ang ginawang pelikula ni Judy Ann Santos at Allen Dizon tungkol sa conflict sa Mindanao na idinirek ni Brillante Mendoza.

Nakaka-excite daw panoorin ang nasabing pelikula dahil parehong magaling na artista ang casts bukod pa sa award-winning na direktor.

Kapwa tumanggap ng mga award sina Allen at Direk Brillantes sa nakaraang 1st Film Amabassador Night kung saan pinarangalan sila ng Camera Obscura Artistic Excellence, kasama ang iba pang artista.

Ang Camera Obscura ay pinakamataas na award na iginagawad ng FDCP sa mga exceptional members ng film community.

Fourth or fifth choice lang daw dito si Allen bilang kapartner ni Juday pero ayon sa manager niyang si Dennis Evangelista ay ok lang dahil maganda at matino naman ang nasabing pelikula.

Ayon naman kay Juday, ang nasabing pelikulang ay isa raw sa mga blessings na dumating sa buhay niya at talagang excited na siya na maipalabas ito.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..