Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By NONIE V. NICASIO

Finally ay inamin na ni Angel Locsin na sila na ni Neil Arce. “Yes, we’re together, we’re not just dating anymore, we’re together,” pag-amin ni Angel sa relasyon nila ni Neil sa nakaraang FDCP Film Amabassadors Night 2018 na ginanap last February 9 sa Sampaguita Gardens.

Saad pa ni Angel, “Ever since naman open ako sa inyo. Hindi pa talaga namin alam kung ano yung label, pero ngayon mayroon na kaming label.

“Klarong-klaro na, kasi nahihirapan na ako sa mga interviews… ‘Ano ba? Lagyan na natin ng something.’ Tapos ay tawa siya nang tawa, ‘Ikaw lang naman yung ayaw e,’” saad daw sa kanya ni Neil.

Nabanggit pa ng Kapamilya aktres na itong buwan lang talaga sila formal na naging mag-on.

“Itong month na ito, as in bago lang, recent lang. Recent lang talaga, as in recent lang, itong month na ito lang,” nakangiting wika pa niya.

“Akala ko nga ay aabot pa ng Valentine’s day, eh,” pabirong saad pa ni Angel.

Ano’ng klaseng karelasyon si Neil?

“Ayun, walang ano, wala kang masasabi kasi we’ve been friends for seven years.

Para lang kaming talagang magbarkada lang.”

Hanggang kasalan na ba ito?

“Ay ayaw kong magsalita, pero bakit naman hindi? Parang, hindi naman namin ito gagawin kung di ka nakakakita na parang, ‘Ah, okay itong taong ito.’

“Pero right now parang we’re taking our time. Siguro sobrang take our time, parang ganoon, sobrang ini-enjoy lang namin. I’m just happy na nandiyan siya sa tabi ko,” masayang pahayag pa ni Angel

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..