Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Magiging masaya at exciting ang Araw ng mga Puso (February 14) dahil magkakaroon ng back-to-back concert ang mga hinahangaan at nagguguwapuhang idolo na sina Mark Bautista at Piolo Pascual.

Yun nga lang, pareho nga ng date ang concert pero magkahiwalay naman sila ng venue. Hindi sila magkasama sa entablado.

Ang magaling at nagiging kontrobersiyal na singer na si Mark ay makakasama ni Joanna Ampil sa kanilang concert na pinamagatang “Love Wins” sa Globe Auditorium, Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City.

Habang ang poging aktor/producer na si Piolo ay magiging special guest naman ng number one comedienne na si AiAi Delas Alas sa kanyang concert sa Palacio De Manila sa may Roxas Blvd.

Maraming kakaibang gimik daw dito si AiAi na ikakatuwa ng mga manonood. Magkakaroon daw dito technology na “video mapping” o tinatawag ding “projection mapping.”

Ayon sa Wikipedia ang projection mapping, na kilala ring video mapping, ay “a projection technology used to turn objects, often irregularly shaped, into a display surface for video projection. These objects may be complex industrial landscapes, such as buildings, small indoor objects or theatrical stages.”

Sabi ng isang kati-katerang showbiz authority, parehong loveless daw ngayon sina Piolo at Mark kaya’t magko-concert na lang muna. Yun na!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..