Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By NONIE V. NICASIO

Masayang-masaya si Moira dela Torre sa pagkakataong ibinigay sa kanya para kantahin ang theme song ng romantic-drama movie na “Meet Me in St. Gallen” na tinatampukan nina Bela Padilla at Carlo Aquino.

Showing na ngayon ang pelikula na mula sa Viva Films at Spring Films.

“You Are My Sunshine” ang theme song ng naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Irene Villamor at swak na swak dito ang kakaibang interpretation at magandang tinig ni Moira.

Nakangiting saad ng singer, “It’s an honor po, it’s such a privilege. I’m so grateful po na sa pangatlong movie po ni Direk Irene-kasi sa first, second and third movie niya-ako po iyong kinuha niya to sing the theme song.

“Kaya I love her, I love her and I’m so grateful po,” masayang pahayag pa ni Moira.

Si Moira rin ang kumanta ng dalawa pang pelikulang pinamahalaan ni Direk Irene. Ito ang “Relaks It’s Just Pag-Ibig” na tinampukan nina Iñigo Pascual, Sofia Andres, at Julian Estrada.

Sumunod naman ang pelikulang “Camp Sawi” na pinagbidahan naman nina Andi Eigenmann, Yassi Pressman, Bela Padilla, Arci Muñoz, at Kim Molina. Dito’y kinanta ni Moira ang awit na “Malaya” na kabilang sa mga hit song niya.

Ano ang masasabi niya sa pelikula?

Tugon ni Moira, “It’s amazing po and quoting Carlo Aquino, ‘It’s a beautiful memory that you’ll never forget.’”

Ano ang aral na natutunan niya sa movie? “That if there are things that are meant to be, there are also things that are not meant to be,” pakli pa niya.

Si Moira ay mapapanood sa sold-out niyang concert na pinamagatang ‘Tagpuan’ na gaganapin sa Kia Theater sa February 17 at 18.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..