Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Nanguna si KZ Tandingan sa ikatlong episode ng sikat na reality singing contest sa China na “Singer 2018” kung saan natalo niya ang nangungunang British Pop singer na si Jessie J.

Nitong Biyernes (February 9), pumangalawa lang si Jessie J kay Tandingan makaraan niyang kantahin nang napakaganda ang awitin ni Adele na “Rolling in the Deep.”

Nagpalakpakan ang mga tao sa rendition na ito ni Tandingan, lalo na nang mag-rap siya sa kalagitnaan ng kanta habang nakatingin lang ang namamanghang si Jessie J.

Dalawang sunod na linggo nang nangunguna si Jessie J sa “Singer 2018” na sinasabing malakas na contender sa nasabing paligsahan. Noong nakaraang episode ay pumangalawa lang sa kanya ang ating pambato.

Ang “Singer 2018” ay sikat na reality singing contest sa China kung saan ang format ay parang “X-Factor.”

Magpapangalingan sa pagkanta ang iba’t ibang pop stars mula sa iba’t ibang panig ng mundo na kasali rito at ang ilan ay mga sikat at kilala na sa larangan ng pag-awit.

Nagmumula sa audience ang score kung sino ang makakakuha ng mataas na ranking.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..