Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

In a relationship na ang dating Super Junior member na si Hangeng.

Mismong si Hangeng ang nag-announce sa kanyang Weibo account na “in a relationship” siya sa aktres na si Celina Jade sa pamamagitan ng sweet na post kung saan naka-tag ang Weibo account ni Celina. Ginawa ito ni Hangeng kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-34 birthday.

“Hello, 34. Hello, my lady,” ayon sa sweet post ni Hangeng na sinagot naman ni Celina ng “Hello my man.”

Ayon sa mga reports, nagkakilala sina Celina at Hangeng sa isang award ceremony. Si Celina ay isang Chinese-American actress at martial artist. Kasama ito sa TV series na “Arrow” at nagbida sa Chinese movie na “Wolf Warrior 2.” (NEWSKO DESK)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..