Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By NONIE V. NICASIO

Nagpapasalamat ang premyadong aktres na si Ana Capri dahil pagkalipas ng isang taon ay muli siyang nakapag-guest sa programang “Maalaala Mo Kaya” ni Ms. Charo Santos-Concio.

Mapapanood si Ana sa life story ng DZMM anchor at negosyanteng si Ahwel Paz ngayong Sabado, 8 pm sa ABS CBN. Gumaganap siya rito bilang ina ni Ahwel na tulad ng kanyang anak, hindi sumuko sa lahat ng pagsubok at dagok ng buhay.

Panimulang pahayag ng aktres, “Im thankful kasi it’s been a year since may last guesting.”

Wika pa ni Ana, “Then, reunion din namin ito ni Direk Topel Lee as my director dito, miss ko na siya ka-work. Kaya nagpapasalamat ako at muli kaming nagkatrabaho.

“Plus. the story ng buhay ni Ahwel, very inspiring siya and I’m happy they trusted me to play a very challenging role as the mom of Ahwel Paz. Maraming matututunan dito, you’ll learn that it’s not your fault to be born poor… pero it’s your fault if you die poor.

“Makikita sa episode na ito ng MMK na kapag nagsikap ang isang tao, puwedeng maging possible, kahit impossible na bagay.”

Sa story, iniwan ba sina Ahwel ng tatay niya noong bata pa lang siya?

“Yes, makikita rito na iniwan kami ng tatay niya…. Ipinakita rin ang power of forgiveness, na mas magiging magaan ang buhay kung kaya mong magpatawad at bumangon,” saad pa ni Ana.

Si Ana ay mapapanood din very soon sa pelikulang “Almost A Love Story” ng BG Production International. Ito’y tinatampukan din nina Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Lotlot de Leon, at Matet de Leon, mula sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..