Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Naaresto sa Incheon International Airport ang isang Korean actor dahil sa paggamit ng ilegal na droga.

Ang naaresto at nahaharap ngayon sa kaso ay ang aktor na si Jung Suk Won, asawa ng singer na si Baek Ji Young.

“We arrested Jung Suk Won last night (February 8 KST), 8 PM approximately at the Incheon International Airport for drug use and is currently under investigation,” ayon sa isang tagapagsalita ng Seoul Metropolitan Policy Agency.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya na gumamit si Jung Suk Won ng philopon na isang uri ng methamphetamine habang nasa isang bar sa Australia. Dahil dito, agad inabangan ng pulisya ang pagbabalik sa South Korea ng aktor. May ulat din na gumagamit pa umano ng cocaine ang aktor.

Sa imbestigasyon, umamin umano si Jung Suk Won na gumamit siya ng philopon.

Sa kasalukuyan, pansamantalang pinalaya si Jung Suk Won. Nagpositibo umano ang urine test nito sa Philopon at hinihintay naman ang resulta ng pagsusuri sa buhok nito para madetermina ang iba pang drogang kanyang ginagamit.

Humingi na rin umano ng paumanhin sa publiko si Jung Suk Won sa kinasangkutang eskandalo at nangakong makikipagkoordinasyon sa imbestigasyon ng pulisya. (NEWSKO DESK)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..