Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Nag-sorry na raw si Mark Bautista sa girlfriend ng lalaki na nakarelasyon niya.

Nangyari raw ito pagkatapos mag-break nung lalaki at gf nito. Gusto raw sana niyang maghingi agad ng sorry pero hindi sila nagkaroon ng tamang pagkakataon.

After a year ng nasabing break-up ay saka lang sila nagkita nung babae sa isang party. Hindi niya na raw sinayang ang pagkakataon. Nilapitan niya yung girl at niyakap tanda ng paghingi niya ng sorry.

Hindi man daw nagsalita yung babae ay dama niyang pinatawad na siya nito.

Bahagi ito ng kuwento ng poging singer sa ilalabas na niyang libro na “Beyond the Mark” kung saan marami siyang inilahad na rebelasyon sa buhay.

Isa na nga rito ang kontrobersiyal na pag-amin ng 34-anyos na singer na nagkaroon siya noon ng intimate relationship sa isang aktor at nagkaroon sila ng ilang maiinit na sandali.

Mababasa ito sa isang chapter ng libro na may pamagat na “Friendshift.”

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..