Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By ROLDAN CASTRO

Hindi na itinatago ni Kris Bernal ang hitsura ng kanyang non-showbiz at businessman boyfriend.

Magtatapos ngayong Biyernes ang afternoon prime soap niyang “Impostora” sa GMA 7 kaya’t may oras na siyang magliwaliw.

Sa ngayon nga ay nasa Iceland ai Kris kasama ang kanyang dyowa.

Pero, nagpapasalamat pa rin siya sa mga tumangkilik ng “Impostora.”

“I’m really happy kasi hindi bumitaw ‘yung mga tao. Patuloy pa rin nilang tinututukan ‘yung ‘Impostora.’ Kumbaga, ang tagal-tagal na nung show namin at kahit may bagong katapat, nakatutok pa rin sila sa amin tuwing hapon kaya masaya talaga kaming lahat,” bulalas niya,

Memorable ang kanyang dual role bilang Nimfa and Rosette dahil grabe ang hirap niya.

“Aside from Little Nanay, Impostora is one of my favorite shows because it made me realize that I can do kontrabida roles because I was stuck with being sweet, and parang laging inaapi, so kahit sa sarili ko nagulat ako na I can do more pa pala.

“And it’s very different from Little Nanay as well. So talagang na-challenge ako na switching from one character na may intellectual disability to talagang matapang na kontrabida. So ibang klase,” sambit pa niya.

Samantala, hanga rin kay Kris ang leading man niyang si Rafael Rosel.

“Bilib na bilib ako sa husay niyang umarte at ang tibay ng katawan niya lalo na kapag tuluy-tuloy ang mga eksenang ginagawa niya bilang Nimfa at Rosette. Sana muli kaming magkasama sa isang project ni Kris,” bulalas niya.

Tutukan ang finale ng “Impostora” ngayong Biyernes pagkatapos ng “Ika-6 Na Utos.”

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..