Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Sobrang nagpapasalamat ang Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo sa mga dumarating na projects sa kanya ngayon. Bukod kasi sa mga endorsements, sunod-sunod din ang kanyang projects lately.

Sabi ni Heaven, “With all the projects po na ibinibigay sa akin ngayon, all I feel is gratefulness. Super-masaya po ako sa mga ibinibigay sa aking proyekto ng Star Magic, from PBB to Wansapanatym’s Jasmins Flower Powers to Ipaglaban Mo…

“Thankful po talaga ako sa tiwala na ibinibigay nila sa akin and somewhat overwhelmed, dahil tuloy-tuloy na nga po ang projects ko. So, talagang nakakataba po ng puso ang mga blessing na ito.

“Then, iyong first movie ko po ay ipinalabas last year, and sa start ng taon ay ito namang “Mama’s Girl” ng Regal Entertainment na pinagbidahan nina Ms. Sylvia Sanchez at Sofia Andres.”

Dahil sa magandang performance ni Heaven sa “Ipaglaban Mo,” nabanggit din ng talent ni Ogie Diaz ang dream niya na maging dramatic actress someday.

“Oh yes!! Gusto ko po talagang makilala sa pagiging drama actress. It has been my dream talaga na mapasama sa mga matitinding drama projects. Sana po talaga ay matupad iyan someday,” pakli pa niya.

Incidentally, abangan si Heaven sa Valentine concert nilang “Pusuan Na Bes” sa Febryary 14 sa FL Dy Coliseum sa Cauayan, Isabela City. Makakasama niya rito sina Daryl Ong, Kakai Bautista, Riva Quenery, Markus Paterson, and hosted by Dyosa Pockoh.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..