Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By RK VILLACORTA

Marami ang nagtataka kung bakit until now ay wala pa nangyayari sa panunuyo ni Elmo Magalona kay Janella Salvador na maging ang binata ay nagtataka kung bakit nga ba talaga?

Maging ang media na nangungulit sa current “status” ay naiinip na sa outcome ng pagtitiyaga sa kanyang panunuyo sa dalaga.

Sabi ni Elmo sa panayam ng TV Patrol, “Pinaka-importante yung katauhan mo is someone who’s really guiding you din.”

Dahil love na love ni Elmo ang dalaga ay ini-expect ng marami na sasagutin na siya ng dalaga ngayong Valentine’s Day na akma naman at simula naman ang showing ng movie nilang “My Fairy Tail Love Story” na idinirek ni Perci Intlan para sa Regal Entertainment.

Mabuti na lang ay matiyaga ang binata sa kanyang panunuyo kay Janella.

Nang tanungin kung anong traits niya na panigurado na hindi makaligtas kay Janella para mapasagot ang dalaga ng kanyang matamis na “Oo”; sagot ng binata ay:“Because I’m very sincere, I’m very thoughtful, and I’m very handsome.”

Kung sakali hindi man ngayong Araw na mga Puso 2018 na bibitawan ng dalaga ang kanyang matamis sagot na sila na ni Elmo na nga, may sagot ang naman ang binata.“Pero hindi pa naman e, alam ko hindi pa so okay lang. We’re just enjoying,” pahayag niya

“Thankful po talaga ako sa tiwala na ibinibigay nila sa akin and somewhat overwhelmed, dahil tuloy-tuloy na nga po ang projects ko. So, talagang nakakataba po ng puso ang mga blessing na ito.

“Then, iyong first movie ko po ay ipinalabas last year, and sa start ng taon ay ito namang “Mama’s Girl” ng Regal Entertainment na pinagbidahan nina Ms. Sylvia Sanchez at Sofia Andres.”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..