Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Hano beh yen! Bongga na nga siya dahil title holder as beauty queen at may guwapo nang boyfriend pero hindi pa nakuntento. Nag-u-umarte raw ngayon at nagmamaldita ang drama niya.

Ito ang tsika ng isang make-up artist na naloka sa kaartehan ngayon ng beauty queen turned actress na ito.

Naku huh, dati ang sweet-sweet ng dating niya as in “sweet as a daisy” yun pala, may itinatagong kamalditahan at lumabas na nga.

Well, ganito raw ang drama ni Miss Aktres ayon sa make-up artist niya. Ayaw daw nito na may kasamang ibang artista sa room habang inaayusan siya. Naiirita raw ito kapag may pumapasok na tao.

Kailangan mag-isa lang siya sa room at yung make-up artist lang ang kasama niya. Nagsu-suplada raw sa ibang artista kapag sinamahan siya dun sa kuwarto

Eto pa, sobrang arte raw sa mga ginagamit nu’ng bading na make-up artist. Sa totoo lang daw, malinis naman daw lahat ng gamit nung bakla at sanitized pa.

Siyempre, kailangan ay super clean talaga dahil nga sosyal at beauty queen ang inaayusan niya. Pero talagang tsine-check daw muna ng maarteng Miss Actress ang mga gamit ng bading bago ito magpaayos.

Susme, dapat ipakita pala sa kanya na nakalublob muna sa alcohol ang lahat nung gamit nu’ng bading. Pwede bang ilagay sa alcohol ang face foam at brush? O siya na lang kaya ang paliguan ng alcohol para matauhan? Hahaha!

Susme! Ang bata-bata pa niya para mag-umarte nang ganyan!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..