Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Tuluyan nang inamin ng magaling na singer na si Mark Bautista ang tunay na pagkatao sa kanyang ilalabas na libro na pinamagatang “Beyond The Mark.”

Dito ay ikinuwento ni Mark ang mga pinagdaanan niya sa buhay, ang career at maging ang lovelife.

Sa isang chapter ng libro ay tahasang ikinuwento ng singer ang naging romansa nila ng isang kilalang aktor.

Diumano ay nagkarelasyon sila nung isang sikat na aktor na may kasalukuyang girlfriend noon. Ilang beses lang daw ang pangyayari subalit matindi ang naging bunga nito sa poging aktor.

Hiniwalayan ito ng girlfriend matapos malaman ang kanilang “bromance.”

Personal na sinulat ito ni Mark nang ayon sa kanyang tunay na karanasan with pride and joy.

Handa na nga raw tanggapin ng singer kung anuman ang sasabihin kanya ng mga tao.

Subalit ayon sa ilang showbiz authority, lilikha ng malaking alingasngas sa showbiz ang confession na ito ni Mark.

Siguradong maaapektuhan ang mga taong na-involve sa kanyang rebelasyon at makakalkal na naman ang dating isyu sa mga ito tungkol sa kabaklaan.

Malapit nang ilabas ang librong ito ni Mark sa mga sangay ng National Bookstore. Abangan dito ang iba pa niyang pagbubulgar.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..