Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By Krissy Dimayuga

NAKAPAGTALA ng bagong record ang ika-anim na season ng Pilipinas Got Talent kahapon, Linggo, Feb. 4.

Sa tala ng Kantar Media, bagong record-high ang nakuha sa national TV rating na 43.3% ng PGT, dahilan para lalong lumpuhin sa rating ang All Star Videoke na mayroon lamang 15.3%.

Maging noong Sabado, Feb. 3, hindi rin nakaporma sa PGT na may 37.5% ang Pepito Manaloto Ang Tunay na Kuwento na mayroon namang 18.4% rating.

Mataas din ang nakuha ng unang pagsabak ng ElNella sa MMK. Nakapagtala sila sa national TV rating ng 34.5%, dahilan para matalo ang 24 Oras Na mayroong 17.7% noong
Sabado (Feb 3).

Ang debut team-up nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa Wansapanataym Presents: Gelli in a Bottle kahapon, (Feb 4) ay tinangkilik din ng viewers. Ito’y nagbigay-aral sa manonood kaya naman mayroong 31%, itong rating at anf katapat na Daig Kayo ng Lola Ko ay mayroon lamang 16.8%.

Nananatiling pinaka-pinanonood pa rin ang action-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Nakapagtala ito noong Biyernes(Feb 2) ng 40.5%, samantalang ang katapat na Sherlock Jr. ay mayroon lamang 16.5%.

Napanatili rin ng Sana Dalawa ang Puso na kasisimula pa lamang last week an kanilang lakas dahil sinapawan nila ang katapat nilang show. May 19.9% silang rating laban sa The Lolas’ Beautiful Show na mayroon namang 7.4%.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..