Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

ni Krissy Dimayuga

NAGBABALIK sa ikatlong pagkakataon si Loisa Andalio sa Wansapanataym sa pamamagitan ng Gelli In A Bottle kasama si Ronnie Alonte.

Unang ginampanan ni Loisa sa Wansapanataym ang papel ni Candy, sumunod si Goldie, at ngayon si Gellie na may prinsipeng kasama.

Four days ago ay nasa top spot ng Twitter ang #GellinaBottle kaya naman ganoon na lamang ang katuwan ng batang aktres.

Hindi rin nito itinago ang excitement sa nalalapit na pagsasama nila ni Ronnie.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Loisa na: “Wow top spot! Maraming salamat sa mga nagtweet & nag abang ng teaser, net Sunday sabay sabay ulit tayo magtweet! I love you all, sobrang excited ako rito dahil bukod sa mahal ko ang Wansapanataym…kasama ko rito si @iamr2alonte the love of my life!

Inihahandog nina Loisa at Ronnie ang aral at kilig sa kanilang unang tambalan sa telebisyon na magtuturo ng kahalagahan ng pagpapakumbaba at pagsasakripisyo para sa iba sa Wansapanataym Presents: Gelli in a Bottle, na mag-uumpisa sa Linggo (Feb 4).

Kilalanin si Gelli (Loisa), isang dalagang lumaking hindi kagandahan ang hitsura kaya tumpukan ng asaran ng mga tao. Ngunit nagkaroon siya ng pag-asang gumanda nang makapulot siya ng isang mahiwagang boteng naglalaman ng magical genie.

Pero dahil sa kasakiman, hihilingin ni Gelli na mapasakanya ang kapangyarihan ng magical genie upang magawa ang lahat ng gusto.

Kasama rin sa Wansapanataym Presents: Gelli in a Bottle sina Anjo Damiles, Barbie Imperial, Lilet, Cai Cortez, Michael Flores, Simon Ibarra, Rubi Rubi, at Raine Salamante. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Darnel Villaflor.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..