Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Naloka ang mga kapitbahay ni Edward Barbres sa Heidelberg, Germany pagdating dito kasama ang ka-loveteam na si Maymay Entrata.

Ang dahilan? Naingayan daw kay Maymay na kilala sa ugaling ekseherada at maingay ang bibig! Sobrang excitement daw kasi ang naramdaman nito nang makita ang lugar ni Edward.

Sabi, medyo na-shock daw ang neighborhood ng pamilya Barber sa nasabing lugar nang makita ang karakter ni Maymay. Pagdating at pagbaba pa lang sa kotse ay agad daw nagtitili at nag-ingay ang dalaga na naging grand winner sa Pinoy Big Brother (PBB).

Napilitan pa nga raw kausapin ng daddy ni Edward ang ilang kapitbahay at nanghingi ng pasensiya.

Noon lang daw nakakita ng ganung eksena ang mga utaw sa naturang lugar na kilalang tahimik at maayos na komunidad.

May batas sa Germany na bawal mag-ingay pagsapit ng 10 PM hanggang 6:00 AM. Hindi pinapayagan dito ang mga pag-iingay tulad ng mga pagpapamaniobra ng sasakyan, malakas na volume ng TV at paggamit ng maiingay na appliances. Nakakaistorbo raw ito sa mga tao paligid ng komunidad.

Nangyari ito nang magpunta ang magka-loveteam sa Germany last December para mag-shoot ng ilang shots para sa Mega Magazine at tuloy i-celebrate na rin doon ang kanilang Christmas holidays.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..