Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Nakakatuwa ang naging eksena ng seksing aktres na si Ara Mina habang nagbibigay ng tribute kagabi (January 31) sa lamay ng namayapang direktor/manager na si Maryo J. Delos Reyes.

Pinagsalita si Ara para magbigay-pugay kay Direk Maryo J. at sa unang litanya niya ay talagang emote na emote ito gayundin ang mga taong nakikinig.

Sabi niya, “Mami-miss ka namin, Direk. Siyempre, isa sa mga pinakamagaling na direktor natin na nandito, along with… si Direk Joel (Lamangan), na nakasama ko rin… aah. Yun lang… sana…”

Tapos medyo maluha-luhang winika pa niya, “Natutuwa ako, kasi, andaming friends dito ni Joel. Talagang nakakalungkot lang.”

Biglang nag-react ang mga tao. Bulungan at yung iba ay nagtaka.

Na-realize ni Ara ang pagkakamali sabay sabing, “Ay! Ni Direk Joel! Sorry! Ni Direk Maryo. Sorry, sorry, sorry!”

Napatingin siya kay Direk Joel Lamangan sabay saad ng “Hindi ako prepared, Direk. Hahahaha! I love you, Direk! Ha! Ha! Ha!

“Sa totoo lang ang init ng mukha ko ngayon. Hindi ko kasi alam. Hindi ako prepared na magsasalita ako pero…”

Nasulyap naman si Ara sa kinalalagyan ni Direk Maryo J at nagpatuloy sa pagsasalita, “Yun lang ang masasabi ko. We will miss you, Direk.”

Pagkatapos niyang maglitanya ay dali-daling pumunta kay Direk Joel Lamangan at yumakap. Pumalakpak na lang ang mga taong naroon.

Kaugnay nito, ikatlong gabi ng lamay mamya (February 1) at may idaraos na talong misa. Alas-dose ng tanghali, 6:00 PM at 8:00 PM. Ang misa ng alas-sais ay laan para sa seminaryo ng Guadalupe Viejo, Makati City kung saan dating semarista doon si Direk Maryo J.

Inaasahang daragsa ang mga Kapuso mamyang gabi dahil GMA Films ang sponsor ng midnight snack.

Isponsor naman ni Dr. Margarita How ng ToFarm Filmfest ang mga dinner simula pa noong Martes ng gabi hanggang bukas.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..