Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Bubuksan sa labas ng bansa ng Star Cinema ang taong 2018 sa isang proyektong pinagsama ang dalawa sa pinakamahuhusay na aktres ng industriya ngayon na sina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban, sa heart-warming at laugh-out-loud dramedy na pelikulang “Ang Dalawang Mrs. Reyes”, na mapapanood via [email protected], sa key countries worldwide ngayong Enero at Pebrero.

Ang nasabing pelikula ay ang unang proyektong pinagsamahan nina Juday at Angelica na siya ring hudyat sa pagbabalik nila sa mainstream cinema. Huling lumabas si Santos sa independent full-length film na “Kusina,” na isa sa mga opisyal na kalahok sa 12th Cinemalaya Independent Film Festival noong 2016.

“I was praying for a very good project, na i-challenge ako, na ikagugulat ng mga tao ‘yong character ko – mukhang ito na ‘yon. Kasi maski ako hindi ko maisip na ginawa ko ‘to (pelikula), eh,” pahayag ni Juday.

Sa kabilang banda, si Panganiban ay nagbabalik-pelikula din matapos siyang parangalan bilang Best Actress sa katatapos na FAMAS 2017 para sa kanyang mahusay na paganap sa The Unmarried Wife, na ipinalabas naman noong Nobyembre 2016.

Dala ng kanilang mga nakamit na mga parangal at nagawang proyekto, itinuturing ang dalawang aktres bilang showbiz royalties na tinitingala sa indutriya ngayon bunga ng kani-kanilang mga tagumpay, at maituring na mga reyna sa kanilang husay sa pagganap sa mga proyektong mayroong drama at comedy genres.

Ang pelikula ay sa direksyon ni Jun Robles Lana, na isang orihinal na istorya na kanyang binuo at kanya ring ginawang screenplay kasama si Elmer Gatchalian.

“Ang dami ng dimensions na na-cover sa pelikulang ‘to. Na-tackle niya ‘yong struggles ng mga babae,” paglalarawan ni Direk Jun sa pelikula.

Ang ‘Ang Dalawang Mrs. Reyes’ ay tungkol sa dalawang babae na sina Lianne (Santos) and Cindy (Panganiban), na hahabulin ang kanilang mga mister na mayroong parehong apelyido at pagkakasala sa kanila. Dadaan sa pagsubok ang kanilang masayang buhay kasama ang kanilang mga asawa nang malaman nila na mayroong relasyon ang kanilang mga mister. Maraming pagdadaanan sina Lianne at Cindy upang pigilan ang relasyon ng kanilang mga asawa.

Higit sa pagiging isang pelikula tungkol sa infidelity, ang “Ang Dalawang Mrs. Reyes” ay istorya tungkol sa dalawang babae na madidiskubre ang puwede nilang gawin para sa pag-ibig.

Ginagampanan din nina Santos at Panganiban ang papel ng dalawang babaeng mayroong malakas na personalidad, pero magkaibang-magkaiba ang karakter. Ang isa sa kanila ay matagumpay na career woman habang ang isa naman ay isang homemaker. Ang pagkakapareho lamang nina Lianne at Cindy ay ang kanilang kagustuhan muling makuha ang kanilang mga asawa.

Pinaliwanag ni Panganiban ang pinagdaanan ng kanilang mga karakter. “Kapag nasasaktan ka, ang dami mong naiisip, na parang dapat it’s a tie. Hindi natin puwedeng i-deny na hindi natin naisip gumanti”.

Tampok din sa pelikula sina Joross Gamboa at JC De Vera. Ang pelikula ay iprinoduce ng Star Cinema with Quantum Films at The Idea First Company.

Makukuha bang muli nila Lianne at Cindy ang kanilang mga asawa? May lakas ba sila na tanggapin ang realidad at hayaan ang kanilang mga asawa na maging tunay na maligaya, kahit pa ang kapalit nito ay ang sarili nilang kaligayahan?

Alamin kung ano ang mangyayari sa ‘Ang Dalawang Mrs. Reyes’ na mapapanood sa labas ng bansa via [email protected] sa mga sumusunod na bansa at petsa: now showing sa U.S. at Canada; February 1 in Australia and New Zealand; February 3 Austria and United Kingdom (also on February 4 in UK); February 4 sa Italy, Greece, Spain, Hong Kong at sa kauna-unahang pagkakataon sa Macau; February 8 sa Papua New Guinea; February 9 sa Saipan; February 10 at 11 sa Thailand; February 11 sa Singapore at Taiwan; at soon sa ibang mga bansa.

Para sa updates tungkol sa pelikula, bisitahin ang emea.kapamilya.com, tfc-usa.com/2mrsreyes, tfc-ca.com/2mrsreyes, o ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..