Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By Krissy Dimayuga

TATLONG taga-Mindanao, dalawang taga-Luzon, at isa mula Visayas ang magbabakbakan para masungkit ang pagkakataong matupad ang kanilang pangarap sa Quarter 3 semifinals ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Isang buong linggo ang muling ilalaan ng kompetisyon para sa anim na naglalakihang boses sa matinding bakbakan na magsisimula ngayong Lunes (Enero 29).

Gigil ang sumisiklab sa pangarap ni Ato Arman ng Bukidnon na minsan nang nagkaroon ng pagkakataong makapag-release ng sariling album ngunit naudlot. Buo ang tiwala niyang Tawag ng Tanghalan ang magbabago ng buhay niya para umunlad mula sa paghahanapbuhay bilang tagahasa ng lagari at karpintero.

Inspirasyon naman ni Charles Kevin Tan ng Negros Occidental ang kasintahan ng 10 taon na siya ring kasa-kasama niya sa sariling baking business. Mas determinado rin siyang magwagi ngayon bilang resbaker na naging daily winner noong 2016 ngunit bigong maagaw ang golden mikropono mula sa defending champion.

Resbaker din si Sofronio Vasquez ng Misamis Occidental na ilang beses nag-audition bago muling makapasok sa Year 2 ng kompetisyon. Ngayon naman, inspirasyon niya ang amang may sakit at hindi na pakakawalan ang pangarap na minsan nang naudlot.

Paninindigan naman ang nagtutulak kay Tuko Delos Reyes ng Aurora na magtagumpay. Matapos makipagsapalaran sa iba’t ibang trabaho at makapagtapos ng pag-aaral ng information technology, pinili niya pa rin ang pagkanta at nais niyang patunayang hindi siya nagkamali sa daang piniling tahakin.

Handa na ring manalo ang dating microphone saleslady na si Lalainne Araña ng South Cotabato na gusto nang ituloy ang pangarap na maging isang professional singer, matapos maudlot ang pangarap na maging flight attendant dahil sa kahirapan.

Malapit na ang tagumpay sa kamay ni Boyet Onte, na sinubok na rin ng pagkakataon matapos niyang mabigo ng pitong beses na pag-audition sa Tawag ng Tanghalan. Inpirasyon naman niya ang kanyang anak sa bawat pagtapak sa entablado sa isang linggong semifinals.

Gaya ng unang semifinals, idedeklara ang contenders na makapapasok sa grand finals mula sa combined scores ng mga hurado at boto ng madlang people.

Muli rin silang huhusgahan base sa kanilang pag-awit ng kanilang audition songs, awiting panlaban o fight song, awit para sa pamilya, awit ng kanilang musical influence, hurado’s choice, at awit ng kanilang buhay.

Abanga kung sino sa kanila ang magkakaroon ng pagkakataong maiuwi ang titulo bilang grand champion ng “TNT” Year 2?

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..