Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By: NONIE V. NICASIO

Gusto raw ulit gumawa ng drama series at pelikula ang Zumba Queen/TV Hos/actress/entrepreneur na si Regine Tolentino at willing siyang ayusin ang hectic na schedules sakaling magkakaroon ng ganitong projects.

Esplika ni Regine, “Yes, I’m wishing na makasama ako sa drama series this year. I will definitely make time for this and adjust my Zumba and corporate events because sobra kong na-miss ang mag-TV and movies ulit.

“Ang last drama series ko was Be Carfeful With My Heart and A Beautiful Affair. Kaya matagal na rin.”

Ipinahayag din niya na sakali namang magkaroon ng offer na pumasok sa showbiz ang dalawang anak niya kay Lander Vera Perez na sina Reigne at Reigen ay susuportahan niya ang mga ito.

“I will support my daughters in everything they put their hearts into,” paliwanag niya.

Dagdag pa ng isa sa segment host ng Unang Hirit, “My eldest daughter Reigne is excelling well at Ateneo and has big dreams in international business, while my other daughter Reigen is still in high school and is into fashion. She is also exploring the possibility of joining pageants as she is 5’7 now at 17 years old. Full support ako sa lahat ng gusto nila!”

Naging dream mo rin bang maging beauty queen noon?

Tumawa muna siya bago sumagot, “Hahaha! Frustrated beauty queen din ako… kinulang lang sa height… kaya deep down ay wish ko yun for my daughter. But I don’t pressure her, basta naka-ready na ang gown niya sa Regine’s Boutique,” nakangiting saad pa niya.

Sa ngayon ay pinaghahandaan na ni Regine ang kanyang first solo concert na gaganapin sa sa Sky Dome sa SM North EDSA this coming April. Wish come true raw ito para sa kanya kaya puspusan ang ginagawa niyang preparasyon.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..