Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Naloka raw ang ilang executives ng Kapamilya Network matapos panoorin ang naging interview ni Ms. Korina Sanchez-Roxas sa nagbabalik-showbiz na aktor na si JM De Guzman.

Hindi raw nagustuhan ng mga ito ang naging “way” ng pagtatanong ni Korina sa programang “Rated K” nitong nakaraang Linggo.

Napag-usapan raw kasi na ang dapat itanong o talakayin ni Korina ay yung present situation at future plans ni JM De Guzman regarding sa showbiz career.

Subalit na-concentrate daw ang pagtatanong ni Korina kung ano’ng nangyari sa aktor noong kasalukuyang nasa krisis ito at kung bakit ito nalulong sa droga.

Inaasahan raw ng ABS-CBN execs na hindi na masyadong uungkatin ang pangit na nakaraan ng aktor subalit taliwas ang nangyari.

Matatandaan na mahigit dalawang taong nawala sa showbiz circulation ang poging aktor dahil nalulong noon sa droga hanggang sa mapasok sa rehabilitation center.

Sa loob ng mga panahon yun ay panandaliang nakagawa ng ilang movies at TV project subalit nagkaroon daw ng “relapse,” meaning na nagbalik uli ito sa pagdo-droga hanggang sa tuluyang ma-rehab.

Sa ngayon ay okey na raw ang aktor at handa na uling pumasok sa showbiz sa ilalim pa rin ng pangangalaga ng ABS-CBN.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..